How To Invite

 


Kamusta? Hanggang ngayon ba wala ka pa din downlines sa networking business mo? Hanggang ngayon ba hindi mo pa din nababawi ang pinuhunan mo? Hanggang ngayon ba hirap ka pa din sa networking mo? Hindi mo kasalanan yun partner hindi mo kasalanan kung bakit walang nag turo sayo ng proper way of inviting, Proper way of knowledge and skills na dapat na sayo at na gagamit mo. May itatanong lang ako sayo partner. Naranasan mo na ba gawin ung katulad na ginagawa ng nasa larawan? Naranasan mo ba sa gitna ng kainitan ng araw sa tang haling tapat naranasan mo bang mamigay ng flyers para maipakita lang sa maraming tao ang opportunity na meron ka? Dahil karamihan sa networking company ang tinuturo sa mga bagong member ay yung lumang strategy. Mamigay ng flyers sa kalsada, mamusakal ng tao sa labas, mangidnap at kung ano ano pa. Sinabi din nila sayo na mag invite ka lang daw ng dalawa at yayaman ka na? Naalala mo ba yun? Parang hindi tutuo diba, well honestly hindi siya tutuo. Yung power of two? Sa article na to ituturo ko sayo yung proper way of inviting a prospect. Naisip mo na ba to partner? Pero naisip mo na ba kung bakit hanggang ngayon wala ka pang kinikita? Meron dalawang rason partner. Una ay wala kang ginagawa at pangalawa may ginagawa ka pero mali ang ginagawa mo. Alin sa dalawa partner? Sa bagay na pag iinvite may tatlong skills ka na kailangan mo matutunan at mamaster para maging madali na sayo to. Anu-ano ba yon? SORTING SKILL, HANDLING OBJECTIONS, CLOSING. Isa-isahin natin ang tatlong bagay na yan para mas lalo mo maunawaan. 
Sponsoring Tip # 1 Sorting Method
 Bigyan lang kita ng isang halimbawa sa sorting, isang gabi habang ikaw nasa bahay ka at gutom na gutom ka na nakakita ka ng tatlong mansas sa ibabaw ng lamesa. Kinuha mo ito at binalatan. Ang unang mansanas na nabalatan mo ay bulok na kaya hindi mo ito kinain. Ang pangalawang mansanas naman na nabalatan mo ay may uod kaya hindi mo din kinain. Pangatlong mansanas na nabalatan mo nakita mo na ok at walang sira kaya ito ang kinain mo. Parang ganyan lang yan partner kailangan mo ma qualified ang prospects mo kung nararapat ba siya na bigyan mo ng panahon at oras para alalayan sa business mo. Kailangan mo muna alamin ng ma-ige ang reason why nila kung bakit kailangan nila ng extra income. Pano? Halimbawa pinopromote mo ang company nyo sa facebook group. At may isang prospect na nag inquire sa promotion nyo (wag ka excited) wag agad-agad mag aaya na mag kita kayo. Ganito ang pwede mo sabihin sa kanya pag nag inquire siya

Ikaw: Hi thanks sa pag inquire mo pwede ko ba malaman kung tiga san ka?
Prospect:Tiga metro manila lang po ako
Ikaw: Ah! Pwede ko po ba malaman kung bakit nyo kailangan ng extra income? 
Prospect:Kasi po student ako and kailangan ko po ng extra income para makatulong sa pag-aaral ko at gusto ko din po makatulong sa family ko.

Isa itong halimbawa na qualified ang prospect mo na mapakitaan ng opportunity mo ito naman ang isang halimbawa na hindi qualified si prospect

Ikaw:Hi thanks sa pag inquire mo tiga san ka po?
Prospect:Mandaluyong po bakit po?
Ikaw:Natanong ko lang po, pwede ko po ba malaman kung bakit kailangan nyo ng extra income?
Prospect:Wala lang sino ba naman may ayaw ng pera diba?

  Isa ito sa mga taong hindi qualified pakitaan ng opportunity mo dahil sasayangin lang neto ang oras at effort mo. Mas maganda kung wag mo na siya replayan after nya masabi un just pm he/her na thank you po sa time.
 Next na pag-usapan natin ang handling objections. Napaka importante neto sayo na matuto ka. Dahil dito 50-50 na ang chance ni prospect kung sasali ba sayo o hindi. Malamang sa malamang pag di mo nasagot tanong ni prospect ay hindi siya sumali sayo. Natanong na ba sayo ng prospect mo to?
 Magkano na ba ang kinikita mo diyan?
 Pyramiding ba yan?
Wala akong pera?
 Ito din yung ilang dahilan kung bakit di sumasali si prospect at lalo na kung di mo siya masagot ng tama bigyan kita ng example pano mo sasagutin yang mga yan ng tama.
 Prospect:Pyramiding ba yan?
 Ikaw: Anu po ibig nyo sabihin pyramiding yung illegal?
 Prospect:oo
 Ikaw: Yung tipong mag labas ka lang ng pera ilang linggo lang yayaman ka na?
 Prospect: Oo
 Ikaw: Okay bkt aun po ba hinahanap nyo? (give smiling face) 
 Prospect: Hindi
 Ikaw: Well thats good dahil hindi po ito yung ganun!

 Next objections Mag kano na ba kinita mo dyan? Madali lang naman sagutin ang objections na to partner! Karamihan kaya di sumasali ang prospect dahil puro pang hype lang ginagawa ng ibang networker yung hindi tutuo... Eto ang pwede mo masagot sa prospect mo sa objections na yan.
 Prospect:Mag kano na ba kinita mo dyan?
 Ikaw: Mag kano po ba gusto nyo marinig para ma impress kayo? or mag kano ba gusto nyo marinig para makapag focus kayo?
 Prospect:50k
 "KUNG HINDI MO PA NA ABOT YUNG INCOME LEVEL NA YAN GANITO PWEDE MO SABIHIN SA KANYA"
 Ikaw: Actually (prospect name) bago palang ako sa company na to at alam mo ba si ganyan (tell his/her success story in your company) kumikita na ng ganyan dito. At gusto nyo po ba malaman kung pano niya ginawa yun?

  Next objection is Wala akong pera

 Prospect: Wala akong pera
 Ikaw: Pwede ba mag tanong okay lang ba sayo mag tapatan tayo sa isat-isa?
 Prospect: Yes
 Ikaw: Ibig mo ba sabihin interesado ka sa business na to pero wala kang pera o sinabi mo lang na wala kang pera dahil mabait ka at ayaw mo akong ma-offend kaya hindi mo kagad masabi na hindi ka interesado? (give a smiling face)
 kapag sinabi nila hindi sila interesado ito sabihin mo
 Ikaw: Sabi ko na eh ha.ha.ha Ikaw talaga. Walang problema I understand. Hindi naman kasi para sa lahat ang business na to. Ang hinahanap ko lang ay yung interesadong matulungan ng opportunity na to. 

 "Pero pag sinabi nila na gusto nila kaso wala talaga sila pera tulungan mo sila mag isip kung pano sila makakapag rase ng puhunan"

 Punta tayo ngayon sa closing method. Ito yung pinaka importante sa lahat balewala ang sorting, handling objection kung hindi mo alam ang closing. Bigyan kita ng example ng closing method

 Ikaw: Based dito sa pinakita ko sayo mag kano gusto mo kitain kada buwan working part time?
 Prospect:30k
 Ikaw: Okay that's good! Mga ilang oras kada araw buwan pwede mo ilaan sa business na to working part time para kitain mo ang 30k/month?
 Prospect: 3hours per day
 Ikaw: Okay sabihin na natin kumikita ka na 30k monthly anu benifits neto para sayo?
 Ikaw: May gusto ka pa ba itanong bago ka mag simula?
 Prospect: Wala naman
 Eto na papasok yung closing line mo
 Ikaw: Okay that's good mukang handa ka na mag simula tama ba?

 Kapag sinabi ng prospect mo na Oo ready na siya or Oo handa na siya its time to guide his/her para sa susunod na gagawin niya.



 Congratulations! Na close mo ang prospect mo sayong team para maging downline mo.

                  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento